ayemrhubie:


Hawakan mo lang ang aking kamay at wag kang bibitaw.
Alam kong hirap ka na din. Alam kong nalulungkot ka na din sapagkat napakalawak ng distansyang namamagitan sa atin. Minsan, katulad ko, nawawalan ka na rin ng pagasa. Na nais mo nang bumitaw. Ang pagmamahal na lang natin sa isa’t isa ang natatanging dahilan upang kumapit pa.
Masakit. Nasasaktan din ako sapagkat namimiss na kita. Nais na kitang makasama. Nais na kitang makatabi. Tulad ng dati. Nahahawakan ko ang kamay mo, nayayakap ka at nakakausap ng harapan. Naririnig ko ang mga halakhak mo, nakikita ang mga ngiti mo at nararamdaman ang bawat halik na tinatanim mo sa noo ko. Yung mga yun? Yun ang mga dahilan kung bakit sa kabila ng sakit ng pagkakawalay ko sayo, nananatili pa din akong nakakapit sa relasyong ito.
Mahal kita. Mahal mo ako. Sapat na iyong rason upang patuloy na kumapit tayo sa isa’t isa. Wag kang bibitaw ha? Para akong saranggola. Nakapagitan sa atin ang lubid na hawak mo. Kaya kapag ako ay lumipad papalayo, tandaan mong hindi ako ang bumitaw, kundi ikaw.
ayemrhubie:


Sa Love…….
Age doesn’t matter. Height doesn’t matter. Distance doesn’t matter. Kumbaga walang bagay ang kayang humadlang kapag nagmamahal ang isang tao. Tanggap niya ng buong buo. Wala siyang pakialam kung ano at sino pa siya as long as masaya siya sa minamahal niya. Sabi nga nila kapag nagmahal ka lahat ng ginagawa mo sa tingin mo ay tama.
ayemrhubie:


Alam natin na mataas ang pride ng mga lalaki. Ang swerte mo kung may lalaking handang magbaba ng pride niya magkaayos lang kayo. Handa niyang ibaba ang pride niya huwag ka lang mawala sa kanya. Siya yung gumagawa ng paraan para magkaayos lang kayo kasi hindi niya matiis na galit ka sa kanya. Hindi siya tumitigil kulitin ka nagkabati lang kayo. May mga lalaki naman kasi na ang angas angas at ayaw na natatapakan ang pride nila ng ibang tao pero pagdating sa taong mahal niya gagawin niya lahat nagkaayos lang sila. Handang niyang ibaba ang pride niya kahit mahirap. Kaya kung nakahanap ka ng ganyang lalaki huwag mo ng pakawalan.
khiaisdname:

Yung lalaking laging nandyan para sayo. Sila yung matatawag mo na boy bestfriend. Yung dadamayan ka tuwing may problema ka, patatawanin ka sa kahit na anong paraan magbabaklabaklaan sa harap mo, sumayaw sayaw, mag make face, saktan ang sarili lahat na ata ng ka abnormalan gagawin nila makita ka lang ngumiti, sila rin yung hindi magsasawang makinig sa paulit ulit na drama mo sa buhay, sila yung babatok sayo kapag may ginawa kang katangahan, iniintindi ka nila kapag meron ka, ililibre ka sa paborito mong kainan para lang maging masaya ka, itetext ka ng good morning/ good night na may kasamang pang aasar, hindi mabubuo ang araw nila kapag hindi ka naasar at higit sa lahat sila yung taong hindi ka iiwan kahit na ipagtabuyan mo pa sila. Masarap magkaroon ng boybestfriend pero tandaan wag natin silang itake for granted. Tao rin sila, may nararamdaman.
Buti pa si Cinderella sapatos lang ang ginamit nagka lovelife na, ehh ikaw PAA mo nasa mukha na, NGANGA pa rin. weakikik:

Buti pa si Cinderella sapatos lang ang ginamit nagka lovelife na, ehh ikaw PAA mo nasa mukha na, NGANGA pa rin.

“Nagkakaubusan na ba? Pati akin, sinusulot mo na?” (via magandangalienako-deactivated20)

“Nagkakaubusan na ba? Pati akin, sinusulot mo na?”

ASO KA BA? senyoraestepanya: BITCH KA KASE.

ASO KA BA?

senyoraestepanya:

BITCH KA KASE.

Hindi porke’t umiiyak ang isang lalaki, bakla na agad. Para sakin nga isang malaking turn on ang pagiyak ng isang lalaki, lalo na kung para sa babae. :) (Source: heysupergirl)

Hindi porke’t umiiyak ang isang lalaki, bakla na agad. Para sakin nga isang malaking turn on ang pagiyak ng isang lalaki, lalo na kung para sa babae. :)

(Source: heysupergirl)

Kung ang ikaliligaya mo ay ang pag-layo ko. Huwag kang mag-alala lalapit ako ng todo para hindi ka sumaya may kasama pang i love you para mamatay ka na. :) (Source: karen-vs-you)

Kung ang ikaliligaya mo ay ang pag-layo ko. Huwag kang mag-alala lalapit ako ng todo para hindi ka sumaya may kasama pang i love you para mamatay ka na. :)

(Source: karen-vs-you)

Minsan pinapadama sayo ng Diyos kung paano masaktan para alam mo kung paano magmahal pa lalo. (Source: helpmeimserious)

Minsan pinapadama sayo ng Diyos kung paano masaktan para alam mo kung paano magmahal pa lalo.

(Source: helpmeimserious)